Sabado, Hunyo 14, 2025

WALANG JO NAMAN

 


"May hit ka!" Bulong ni SC sa iyo

Kapag nalaman ng Coach mo

"Walang Jo naman!", kunot noo

"Kaya di pumapasa scores nyo!"


Pagkarinig mo ng ganun

Para ka na nalunod sa balon

Nagsusumikap umahon

Pero mga sigaw nya, ika'y ikakahon


Lalamunin ka na ng buhay

Di mo na magawang kumaway

Dahil nagmumukha siyang kaaway

Ng mga ahenteng pasaway


Saan nga ba dadalhin

Ang wikang napakadiin

Walang Jo, kapansin-pansin

Pati ibang team napapatingin.

WAG KANG MA-RATTLE

  

Merong isang grupo sa Telco

Nagsusumikap sa 3DR umasenso

Todo work, Todo na eto

Lahat ng spiels binabato!


Todo sikap Todo benta din

Para may APQ na makarating

Sa susunod na buwan para maredeem

Para sa next grocery natin.


VXS na lang ang kulang

Ang iba sa DSAT sinalang

Todo Sabi kaya natin yan

Sana magka-promoter bukas naman.


Wag Kang Ma-Rattle, yan Sabi sa Amin

Implementing action plan to the spin

Na dapat isapuso at isipin

Up to your last breath at kiligin.


Wag kang Ma-Rattle 

Wag Kang Ma-Rattle 

Wag Kang...

Wag Kang...


Baka gusto mo din etong basahin?

WALANG JO NAMAN

  "May hit ka!" Bulong ni SC sa iyo Kapag nalaman ng Coach mo "Walang Jo naman!", kunot noo "Kaya di pumapasa score...