Huwebes, Mayo 20, 2021

DODECASILABICONG SONETA NG AKING KAARAWAN

     ni LUIS G. ASUNCION

Ika-14 ng Agosto. 2015

(Repost)


Maraming salamat sa nakaalala.

Pinakamatinding naunang pag-iyak

sa pagkakapalo ng 'sang kumadrona

sa aking puwetan na parang sinapak.


Noong ikalabing-apat ng Agosto

Mil nuwebe sientos sitenta'y siyete,

Pilit sinilayan, liwanag ng mundo

Para maituloy, sinimulang lipi.


Nakipagsapalaran para mabuhay

Nakipagsapalaran para mabigo

Sapalaran para sa pagtatagumpay

Sapalaran para sa buong sandugo.


Nadugtungan ang aking buhay, salamat.

Nakipagsapalaran, daghang salamat.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Baka gusto mo din etong basahin?

BAYAN KO: PAG-IBIG SA TINUBUANG LUPA

  (Sabayang Pagbigkas mula sa katha ni Andres Bonifacio at Jose Corazon de Jesus) Luis G. Asuncion “ Ang bayan kong Pilipinas, Lupa...