Biyernes, Mayo 21, 2021

PANALANGIN

     ni Luis G. Asuncion


Sinikap abutin ang mga pangarap 

para aking malasap 

ang pusong nag-aalab 

na ibigay ang pagkamulat.


Minulat ko ang aking mga mata

panalangin ang umpisa

upang hilingin sa Dakilang Lumikha

ang kalakasang alay tuwina.


Ako, ikaw, tayong lahat 

ay dapat ibigay at ipamalas

ang pambihirang pagkamulat

na magbibigay sigla at buong lakas.


Ano pa ba ang aking panalangin?

Panalangin na aking itatanim 

sa puso't isipan ng kababayan natin 

magbigay pugay at trabaho'y pagbutihin.




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Baka gusto mo din etong basahin?

BAYAN KO: PAG-IBIG SA TINUBUANG LUPA

  (Sabayang Pagbigkas mula sa katha ni Andres Bonifacio at Jose Corazon de Jesus) Luis G. Asuncion “ Ang bayan kong Pilipinas, Lupa...