Huwebes, Mayo 20, 2021

ANG AKING MUNTING TULA-IKALAWANG BUGSO

     Orihinal na katha ng aking ama (Jose Cariño Asuncion) – Unang walong taludtod

     Dinugtungan ni Luis Gonzalo Asuncion – Ikasiyam na taludtod hanggang dulo


Ang aking munting tula

Ay ginawa ng aking ama

Amang maralita ngunit magalang

Sa mga inyo’y mapapalad na nilalang.


Pag-aaral at karunungan

Pagsusumikap at katiwasayan

Ay aking gagawin at iaasal

Sa tulong ng Poong Maykapal.


Ang aking munting tula

Ay aking din ipamamana

Kapag ako’y naging ganap na ama

Ng mga mapapalad na bata.


Sila’y aking pag-aaralin para sa karunungan

Magsusumikap para sa katiwasayan

Ay aking gagawin at iaalay

Sa tulong ng aking maybahay.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Baka gusto mo din etong basahin?

BAYAN KO: PAG-IBIG SA TINUBUANG LUPA

  (Sabayang Pagbigkas mula sa katha ni Andres Bonifacio at Jose Corazon de Jesus) Luis G. Asuncion “ Ang bayan kong Pilipinas, Lupa...