Miyerkules, Mayo 19, 2021

ANG TUNAY NA DIWA NG PASKO (repost)

     ni LUIS G. ASUNCION


Ilang araw na lang, ito na ang Pasko

Anong masasabi? Anong mapapala?

Merong matatanggap, alahas o ginto

Cellphone, appliances, tablet o pitaka.


Sinong maysabi, tanging mayaman lang

Pwedeng mag-celebrate pati mahihirap

Anuman ang antas sa ating lipunan

Ang Pasko'y sasapit at yong malalasap.


Hindi mo naman need, dambuhalang chicken

Upang maihanda sa lamesang bilog;

Wala ring halaga, para yatang insane

Pilit iniisip, pangakong natulog.


Anong dapat sa mind, pera at materyal,

Pamilya't kaibigan na tunay magmahal.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Baka gusto mo din etong basahin?

WALANG JO NAMAN

  "May hit ka!" Bulong ni SC sa iyo Kapag nalaman ng Coach mo "Walang Jo naman!", kunot noo "Kaya di pumapasa score...