Sabado, Mayo 22, 2021

SIMULA NG FLIPTOP

     ni Luis G. Asuncion


Sa mga estudyante, ayos ba ang naging simula?

Ng ating klase ngayon pero wala pa tayong ginagawa

Fliptop girls and boys, handa na ba?

Pero bago ang lahat ay ako muna ang magsasalita.

Ano nga ba ang fliptop?

Bigyang depenisyon mula sa aking nakalap

Na mga pag-aaral sa tula na aking nalasap

Na malugod kong ituturo sa mga nais akong makausap.


Ang fliptop ay bagong katawagan

Sa free verse na dating ngalan

Nagging kakaiba lang

Ang mga salitang pinapakawalan.

Ang fliptop ay nagsimula

Sa pagbuhul-buhol ng mga salita

Kahit na hindi na alam kung anong iwiwika

Ay eto pa rin, panay ang dada.


Dati ang tula ay tamang tugma at sukat

Gaya ng sonata na may tamang pangkat

Kung iyong bibilangin, eto kilalang labing-apat

Isang tula mula kay Shakespeare na isang sikat.

Hanggang sa dumating ang mga Kastila

Sa ating bansa ay nagpakasasa

Ating mga Pilipino ay inalila

Kaya tayo naging dukha.


Ngunit tayo ay tinuruan

Ng mga tula tayo ay pinaglaruan

Ng mga katha at tayo ay idinuyan

Mula sa Luzon hanggang Mindanawan.

Hanggang sa magkaroon ng free verse

Paghaluin ang tagalong at English verse

Sa isang tula, ang mga makata transverse

At ngayon ay fliptop na namilipit ang verse.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Baka gusto mo din etong basahin?

BAYAN KO: PAG-IBIG SA TINUBUANG LUPA

  (Sabayang Pagbigkas mula sa katha ni Andres Bonifacio at Jose Corazon de Jesus) Luis G. Asuncion “ Ang bayan kong Pilipinas, Lupa...