Martes, Disyembre 14, 2021
FACE TO FACE
Martes, Mayo 25, 2021
MILK TEA
Sa pagsikat ng araw mula sa bukang-liwayway
Parang isang kiliti na humahaplos ang bawat sinag
Hanggang sa paglubog ng araw sa dapit-hapon na kumakaway.
Hawak ang isang milk tea na hinihigop pero walang silbi
Na nagbibigay ng aliw sa bawat pawis na tumatagatak
Sa pagsikat ng araw mula sa bukang-liwayway.
At gustong ipaglaban ang katayuan ng nais pero naging pipi
Patuloy pa din ang pagpatak ng pawis at di makapalag
Hanggang sa paglubog ng araw sa dapit-hapon na kumakaway.
Patuloy sa paglalakad para magkaroon ng pambili
Ng milk tea para sa katawan kong mainit at may pampalubag
Sa pagsikat ng araw mula sa bukang-liwayway
Hanggang sa paglubog ng araw sa dapit-hapon na kumakaway.
-ni Luis G. Asuncion 25/05/2021 (07:32pm)
Sabado, Mayo 22, 2021
SIMULA NG FLIPTOP
ni Luis G. Asuncion
Sa mga estudyante, ayos ba ang naging simula?
Ng ating klase ngayon pero wala pa tayong ginagawa
Fliptop girls and boys, handa na ba?
Pero bago ang lahat ay ako muna ang magsasalita.
Ano nga ba ang fliptop?
Bigyang depenisyon mula sa aking nakalap
Na mga pag-aaral sa tula na aking nalasap
Na malugod kong ituturo sa mga nais akong makausap.
Ang fliptop ay bagong katawagan
Sa free verse na dating ngalan
Nagging kakaiba lang
Ang mga salitang pinapakawalan.
Ang fliptop ay nagsimula
Sa pagbuhul-buhol ng mga salita
Kahit na hindi na alam kung anong iwiwika
Ay eto pa rin, panay ang dada.
Dati ang tula ay tamang tugma at sukat
Gaya ng sonata na may tamang pangkat
Kung iyong bibilangin, eto kilalang labing-apat
Isang tula mula kay Shakespeare na isang sikat.
Hanggang sa dumating ang mga Kastila
Sa ating bansa ay nagpakasasa
Ating mga Pilipino ay inalila
Kaya tayo naging dukha.
Ngunit tayo ay tinuruan
Ng mga tula tayo ay pinaglaruan
Ng mga katha at tayo ay idinuyan
Mula sa Luzon hanggang Mindanawan.
Hanggang sa magkaroon ng free verse
Paghaluin ang tagalong at English verse
Sa isang tula, ang mga makata transverse
At ngayon ay fliptop na namilipit ang verse.
PANALANGING PAMPANITIKAN
ni Luis G. Asuncion
Aking mga mag-aaral
Handa na ba kayong mag-aral?
Halina’t tayo munang magdasal
Upang pumagitna ang presensya ng Maykapal.
Ating damhin ang presensya Niya
Ihanda na ang sarili sa makata
Sa panitikang punung-puno ng diwa
Eto na ang ating simula.
Mangandang tanghali, Panginoong Hesus
Kami ay patnubayan Mong lubos
Upang aming maibuhos
Ang tanaga o awit na malapit nang maubos.
Bigyam Mo kami ng magandang diwa
Para sa pag-aaral ng panitikan, kami ay matuwa
Lalabas an gaming mga katha
Mula sa mga makakati naming dila.
Maraming salamat po, Panginoon naming
Sa pagdinig sa aming panalangin
Hindi Ka nawawala sa aming hinihiling
At lagging pumupukaw sa aming damdamin.
Kami ay mag-aaral ng fliptop
Para sa panitikang aming mayayakap
Upang ang puso naming ay mag-alab
Bigmo Mo kami ng maayos na sangkap.
Mga kakaibang metaporya
Ang gagamitin ng aming mga dila
Lilikha ng magagandang tula
Para maging kaaya-aya.
Muli, ang Iyong Pangalan ay itinataas naming
Na Napakadakila at puno ng pansin
Panginoong Hesukristo, aming idinadalangin
Ang lahat ay magsabi ng “Amen”.