Martes, Disyembre 14, 2021
FACE TO FACE
Ipinanganak man akong may uhog pa
ngunit naging maingat sa bagay noong bata
ang ilong kong ko ay nakalaan para makahinga
ng sariwang hangin mula sa hilaga.
Dumating ang araw ng pandemya
kinatakutan ng buong madla
upang ang pag-aaral ay maantala
ng ilang buwan upang makipagkita.
Nais ko na ang aking talento ay ipakita
ngunit hindi naging madali para makapunta
sa paaralan ng maraming dalubhasa
at mga mag-aaral na pinagpala.
Ngayon, hindi ko alam kung handa na
para humarap muli sa kanila
at maipakita ang aming pag-asa
na maging matatag at angat sa iba.
- Luis G. Asuncion
Disyembre 8, 2021
Tinula ni Sam Eleazar para sa kanyang asignatura
Ika-10 baytang
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Baka gusto mo din etong basahin?
BAYAN KO: PAG-IBIG SA TINUBUANG LUPA
(Sabayang Pagbigkas mula sa katha ni Andres Bonifacio at Jose Corazon de Jesus) Luis G. Asuncion “ Ang bayan kong Pilipinas, Lupa...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento