Linggo, Marso 27, 2022

Ang Pagtatapos

 ANG PAGTATAPOS

ni LUIS G. ASUNCION, RL

Simula pa lamang ng aking paghakbang,
Hinubog ng hirap ako'y nagsumikap,
Kahit walang laman ang t'yang kumakalam,
Pilit nagliwanag, diwang naglagalag.

Diwa ng pag-asa, laging umaasa,
Aklat binusisi, lahat sinisipi
Ang bawat pahina na aking sininta
At hindi nagsisi sa lahat ng lipi.

Di alam kung bakit hakbang may balakid
Laging lumulunok, laway nilalagok
Pag-asa'y makamit, hakbanging makitid,
Maraming pagsubok, ako ang lililok

Ng pusong mabato, itataya'y dugo
Ang pagtatapos ko, iaalay sa'yo.

--9:45Pm (March 6, 2015)
San Martin Street, Fatima I, Area E, Sapang Palay, CSJDM, Bulacan
***sonetang may 12 baybay, may hati sa gitna ng bawat taludtod. May tamang sukat at tugma

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Baka gusto mo din etong basahin?

BAYAN KO: PAG-IBIG SA TINUBUANG LUPA

  (Sabayang Pagbigkas mula sa katha ni Andres Bonifacio at Jose Corazon de Jesus) Luis G. Asuncion “ Ang bayan kong Pilipinas, Lupa...