(Sabayang Pagbigkas mula sa katha ni Andres Bonifacio at Jose Corazon de Jesus)
Luis G. Asuncion
“Ang bayan kong Pilipinas, Lupain ng ginto't bulaklak, Pag-ibig na sa kanyang palad, Nag-alay ng ganda't dilag.”
Ahhh! Pilipinas...Pilipinas...yan ang bayan ko.
Bago dumating ang mga Espanyol, isa etong paraiso,
na niyakap ng ating mga ninuno
mula Lunes hanggang Domingo.
“Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya”,
ni
Gat Andres Bonifacio sa kanyang tula.
“sa
pagkadalisay at pagkadakila”,
na
mga kabataan na huwad sa diwa.
“gaya
ng pag-ibig sa tinubuang lupa?”
saan
ako isinilang? Sa lupa ng dakila.
“Alin
pag-ibig pa? Wala na nga, wala”
Ng mga kabataang kinalimutan na.
“ At sa kanyang yumi at ganda, Dayuhan ay nahalina, Bayan ko, binihag ka, Nasadlak sa dusa.”
Hahahaha! Ang sarap magtampisaw sa tubig na malaya
kaya ang mga dayuhan ay humanga sa angking ganda
ng mga Espanyol sa aking bayan binihag niya
hanggang sa putikang inilubog sa pagdurusa.
“Ulit-ulitin mang basahin ng isip”
ang
wikang ibinahagi ng ating panaginip
“at
isa-isahing talastasing pilit”
ang
mga litanya ng korido’t awit.
“ang
salita’t buhay na limbag at titik”
mula
sa kayamanan ng inilubog sa putik
“ng
isang katauhan ito’y namamasid”
ang pang-aalipusta ng prayle na nanlilimasid.
“Banal na pag-ibig pag ikaw ang nukal”
sa
isip at talino na ibinungkal
“sa
tapat na puso ng sino’t alinman,”
ang
pag-ibig sa kapwang tiyan kumakalam
“imbit taong gubat, maralita’t mangmang”
indiyo, tayo’y binansagan
“nagiging dakila at iginagalang”
mula sa pamana ni Rizal idolo ng Katipunan.
“ Ibon mang may layang lumipad, kulungin mo at umiiyak, Bayan pa kayang sakdal dilag, Ang di magnasang makaalpas!”
Huhuhu! Ikaw, ako, tayong lahat ay naduduwagan
mula sa mga lahi ng monarkiya ng Espanyol na mapanlamang
pilit inangkin ang ating malaking kayamanan
ngunit di alam kung paano ipaglalaban.
“Pagpupuring lubos ang nagiging hangad”
ang
pinangarap natin sa Espanyol na bangag
“sa
bayan ng taong may dangal na ingat,”
ng
ating mga ninuno na nag-alaga ng tapat.
“umawit,
tumula, kumatha’t sumulat,”
yan
ang mga litanya ng mga bayaning minulat
“kalakhan
din nila’y isinisiwalat”
ang pag-ibig na wagas ng puso’t binuklat.
“ Ang bayan kong Pilipinas, Lupain ng ginto't bulaklak, Pag-ibig na sa kanyang palad, Nag-alay ng ganda't dilag.”
“At sa kanyang yumi at ganda, Dayuhan ay nahalina, Bayan ko, binihag ka, Nasadlak sa dusa.”
“Ibon mang may layang lumipad, kulungin mo at umiiyak, Bayan pa kayang sakdal dilag, Ang di magnasang makaalpas!”
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento