Huwebes, Oktubre 20, 2022

BAYAN KO: PAG-IBIG SA TINUBUANG LUPA

 

(Sabayang Pagbigkas mula sa katha ni Andres Bonifacio at Jose Corazon de Jesus)

Luis G. Asuncion


Ang bayan kong Pilipinas, Lupain ng ginto't bulaklak, Pag-ibig na sa kanyang palad, Nag-alay ng ganda't dilag.”


Ahhh! Pilipinas...Pilipinas...yan ang bayan ko.

Bago dumating ang mga Espanyol, isa etong paraiso,

na niyakap ng ating mga ninuno

mula Lunes hanggang Domingo.


Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya”,

ni Gat Andres Bonifacio sa kanyang tula.
“sa pagkadalisay at pagkadakila”,

na mga kabataan na huwad sa diwa.
“gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa?”

saan ako isinilang? Sa lupa ng dakila.
“Alin pag-ibig pa? Wala na nga, wala”

Ng mga kabataang kinalimutan na.


At sa kanyang yumi at ganda, Dayuhan ay nahalina, Bayan ko, binihag ka, Nasadlak sa dusa.”


Hahahaha! Ang sarap magtampisaw sa tubig na malaya

kaya ang mga dayuhan ay humanga sa angking ganda

ng mga Espanyol sa aking bayan binihag niya

hanggang sa putikang inilubog sa pagdurusa.


Ulit-ulitin mang basahin ng isip”

ang wikang ibinahagi ng ating panaginip
“at isa-isahing talastasing pilit”

ang mga litanya ng korido’t awit.
“ang salita’t buhay na limbag at titik”

mula sa kayamanan ng inilubog sa putik
“ng isang katauhan ito’y namamasid”

ang pang-aalipusta ng prayle na nanlilimasid.


Banal na pag-ibig pag ikaw ang nukal”

sa isip at talino na ibinungkal
“sa tapat na puso ng sino’t alinman,”
ang pag-ibig sa kapwang tiyan kumakalam

imbit taong gubat, maralita’t mangmang”

indiyo, tayo’y binansagan

nagiging dakila at iginagalang”

mula sa pamana ni Rizal idolo ng Katipunan.


Ibon mang may layang lumipad, kulungin mo at umiiyak, Bayan pa kayang sakdal dilag, Ang di magnasang makaalpas!”


Huhuhu! Ikaw, ako, tayong lahat ay naduduwagan

mula sa mga lahi ng monarkiya ng Espanyol na mapanlamang

pilit inangkin ang ating malaking kayamanan

ngunit di alam kung paano ipaglalaban.


Pagpupuring lubos ang nagiging hangad”

ang pinangarap natin sa Espanyol na bangag
“sa bayan ng taong may dangal na ingat,”

ng ating mga ninuno na nag-alaga ng tapat.
“umawit, tumula, kumatha’t sumulat,”

yan ang mga litanya ng mga bayaning minulat
“kalakhan din nila’y isinisiwalat”

ang pag-ibig na wagas ng puso’t binuklat.


Ang bayan kong Pilipinas, Lupain ng ginto't bulaklak, Pag-ibig na sa kanyang palad, Nag-alay ng ganda't dilag.”

At sa kanyang yumi at ganda, Dayuhan ay nahalina, Bayan ko, binihag ka, Nasadlak sa dusa.”

Ibon mang may layang lumipad, kulungin mo at umiiyak, Bayan pa kayang sakdal dilag, Ang di magnasang makaalpas!”



Linggo, Marso 27, 2022

Ang Pagtatapos

 ANG PAGTATAPOS

ni LUIS G. ASUNCION, RL

Simula pa lamang ng aking paghakbang,
Hinubog ng hirap ako'y nagsumikap,
Kahit walang laman ang t'yang kumakalam,
Pilit nagliwanag, diwang naglagalag.

Diwa ng pag-asa, laging umaasa,
Aklat binusisi, lahat sinisipi
Ang bawat pahina na aking sininta
At hindi nagsisi sa lahat ng lipi.

Di alam kung bakit hakbang may balakid
Laging lumulunok, laway nilalagok
Pag-asa'y makamit, hakbanging makitid,
Maraming pagsubok, ako ang lililok

Ng pusong mabato, itataya'y dugo
Ang pagtatapos ko, iaalay sa'yo.

--9:45Pm (March 6, 2015)
San Martin Street, Fatima I, Area E, Sapang Palay, CSJDM, Bulacan
***sonetang may 12 baybay, may hati sa gitna ng bawat taludtod. May tamang sukat at tugma

Baka gusto mo din etong basahin?

BAYAN KO: PAG-IBIG SA TINUBUANG LUPA

  (Sabayang Pagbigkas mula sa katha ni Andres Bonifacio at Jose Corazon de Jesus) Luis G. Asuncion “ Ang bayan kong Pilipinas, Lupa...